Posts

Showing posts from January, 2025

Diskarte o Diploma: Ano ang mas mahalaga?

Image
Sa panahon ngayon, patuloy parin ang debate tungkol sa halaga ng diskarte at sa diploma. Para sa ilan, ang diploma mula sa isang malaking paaralan o mga kilalang universidad ay kinikilalang susi sa tagumpay. Ngunit para naman sa iba, ang diskarte ay kakayahang mag-isip nang maayos, gumawa ng mga tamang hakbang o decision, at magpatuloy sa kabila ng mga hamon at ito ang tunay na nagpapabilis ng tagumpay. Ngunit alin ba sa dalawa ang mas mahalaga sa pag-abot ng mga pangarap? Ngayon, tatalakayin/tutukoyin natin ang parehong panig at kung bakit parehong may tungkolin ang diskarte at diploma sa pagbuo ng isang matagumpay na karera. Ang kahalagahan ng diploma para sa karamihan, ang pagkakaroon ng diploma ay nagsisilbing tanda ng pagiging propesiyonal at kasanayan. Ang mga pormal na kurso, mga natutunan mula sa mga guro, at ang mga teoriya na naipon sa loob ng ilang taon ay nagsisilbing pundasyon sa mas mataas na kaalaman. Ang mga kumpanya at organisasyon ay madalas na naghahanap ng mga aplik...